Tuesday, May 19, 2009

“May Tatlong Bahaghari”


Di kapani-paniwala ang pagkakaroon ng tatlong bahaghari sa isang araw. Napakamatalinghaga.ngunit, makatotohanan para sa taong may kakayahang gumamit ng kanyang pananampalataya upang diktahan ang makulay na bahag-hari na siya ay gabayan .Ang linya ng kantang,..”Sundan ang bahaghari sa kanyang hangganan, Baka doo’y sakali luha mo’y magpaalam”. ay naging makatotohanan sa aking naging mga karanasan.


‘Gaya niyo, ako rin ay nangangangarap ng gising. Sana ako ay maging “Swan”, “Kandila” at “Kabiyak ni Yilmaz”.ngunit, ang makapunta ng Europa ay di-kabilang sa aking mga “Pangarap” .dahil ito ay isang “PANAGINIP”na kung ipagpapatuloy ko, maari pa itong maging “BANGUNGOT”. Samakatuwid, sinamantala ko ang pagkakataon na “Sundan ang bahag-hari sa kanyang hangganan” kaya’t ang dating “PANAGINIP” ay naging “TOTOONG KUWENTO NG AKING PAGKATAO”.


Ang Europa na dating isang anino ay nagmistulang naging buhay na tao. Mawala man ang aking paningin at pandinig, Siya ay patuloy kong titingnan at pakikinggan gamit ang aking puso at kaluluwa.


Mahiwaga ang Europa. Ako ay naging “buo” dahil sa dulot nitong “tatlong bahaghari”.Tatlong makukulay na aral: (1) “There’s no place like Rome, There’s no place like Home; (2)” I am proud being a Filipino “ at (3) “I am a Believer, Thy will be done”, na aking natagpuan sa Europa at patuloy na pumapawi sa aking mga luha.


There’s no place like Rome, There’s no place like Home. Roman Forum, Circus Maximus, Pantheon, Fountain of Trevi at Colosseum na dati ay aking nabasa lamang.pero ngayon,mas matapang ko nang maituturo dahil ang mga ito ay nakita ko na!-Talagang “There’s no Place like Rome”!. Habang ang aking mga mata ay napupuno,kabaliktaran naman ang nangyayari sa aking puso. Ang apoy ng pagkalinga ng mga magulang sa kanilang nag-iisang anak ay unti-unting lumalamlam. Sa unang pagkakataon,gusto kong isigaw sa mundo: “Miss ko si Mama at Papa ko!-There’s no place like home!”.


I am proud being a Filipino. Di-mahulugan ng karayom ang Vatican. Lalung-lalo na ang pasiklaban sa Youth Night ng Canonization ni St. Marie Eugenie. Malikhaing mga Pilipino ang nanguna sa pagtatanghal ng kanilang Dance-drama. Hindi na kailangang ikumpara pa sa mga itinanghal ng mga taga-ibang bansa. Talagang World-class performers ang mga mga kababayan natin. Kaya’t bago pa matapos ang kanilang pagtatanghal, Ako ang pinaka-unang tumayo habang pumapalakpak. Ipinahihiwatig ko sa buong mundo: “I am proud being a Filipino!”.


Gusto ko mang magpaka-Europeo sa pagngatngat ng “Olives, Croissant, White Cheese, at Sandwich”. Ang aking panlasa ay di-talaga kayang “magbalat-kayo”. Kaya’t dinayo namin ang pagkalayu-layong Asian market sa Rome para bumili ng hipon at munggo! “Kahit sa ulam, I am proud being a Filipino”.


I am a Believer., Thy will be done. Nakaya ko ang na unos na dumating kagaya ng “Personal Appearance sa Schengen Embassy”,”magpabakuna ng Anti-Flu”,”mapurga ng sangkatutak na Sandwiches at Sausages”, “maligaw sa mga eskinita ng Paris, Lourdes, Barcelona, Nice, Venice at Rome”, at “ maglaba ng sariling damit”.-I am a believer, Thy will be done!.


Ang tatlong mga bahag-haring ito ay hinamon pa ng canonization na inulan ng husto. Hindi ko maitatago ang pangangatog ng aking tuhod dahil sa lamig. Hindi sapat ang aking payong para ako ay di-mabasa, Ngunit, sapat naman ang aking pasensya sa paghihintay para ang damit ko ay matuyo.hanggang matapos ang seremonya.


Hindi ko mababalewala ang pagkalam ng aking sikmura dahil sa di-pag-almusal, Hindi sapat ang 3 pirasong kendi upang punan ang tiyan, Ngunit, sapat ang aking atensyon sa pakikinig sa Santo Papa na bumusog sa aking ispiritu kahit di ko maintindihan ang German, French at Italiano.


Hindi ko maikakaila ang aking pagka-inggit sa inyo na nanood lamang sa TV at naka-upo ng napakarangya sa MDFT at balita ko ay may libreng hapunan pa. Ngunit, sapat naman ang aking karanasan na makapaligo ng HOLY WATER ng HOLY RAIN sa HOLY CITY ng VATICAN.


Ang pakikilahok ko sa pagbagtas ng naging buhay ni St.Marie Eugenie ay napakalaking hiwaga. Ang bawat hakbang ko ay nagmistulang mga pahina ng aking “Aklat ng buhay” na dati kong sinulatan ng mga mahahalagang kahulugan. Natanto kong may iba ng mga pahina na natupi,nagusot at napunit. Napaksuwerte ko dahil sa araw ng kanyang canonization, iniabot niya ang kanyang kamay upang ako’y hawakan at hinayaan niya akong bumulong sa kanya ng aking mga “ninanais”. Isang ngiti lamang ang kanyang naging tugon…..Ngunit, May anino ng tatlong bahaghari.

No comments:

Post a Comment